Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa publiko na makiisa sa obserbasyon ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo 2021.
Ang mga nakalatag na aktibidad ay pinangungunahan ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.
Sa kabila ng pandemya, pinapaalalahanan pa rin ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng mga Isabelino na kinakailangan pa rin paghandaan ang pagdating ng mga bagyo o anumang sakuna sa Lalawigan.
Bilang bahagi ng pakikiisa sa National Disaster Resilience Month, kailangang bawasan ang mga sanga ng punong kahoy na nagiging sagabal sa mga kawad ng kuryente.
Importante rin na linisin ang mga estero at canal upang maibsan ang pagbaha.
Nananawagan din ang provincial government na makibahagi sa ‘TODAS DENGUE, TO DO NA ‘TO! (Ika-walong kagat)’, ang pinakamalaki, pinaka-agresibo at pinaka-komprehensibong kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela laban sa Dengue sa darating na Hulyo 24, 2021.
Bukod dito, magkakaroon din ng bloodletting activity na gaganapin sa DRRM Complex, Isabela Provincial Capitol Compound.