Cauayan City, Isabela- Tinanggap ng Provincial Government ng Isabela ang P75 milyon na financial assistance sa ilalim ng Barangayanihan Caravan tungo sa National Recovery ng pamahalaan.
Ang nasabing halaga ay ipinagkaloob sa pamamagitan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III bilang bahagi ng TUPAD benefits.
Habang ipinasakamay naman ang P9.5 milyon na halaga ng Government Internship Program (GIP) sa City of Ilagan LGU na tinanggap ni Mayor Jay Diaz at P1 milyon naman na TUPAD benefits para sa mga piling benepisyaryo ng bayan ng Roxas na mismong si Mayor Jonathan Jose Calderon ang tumanggap.
Samantala, ipinagkaloob naman ni DA-Isabela Experiment Station Chief Dr. Jacklyn Gumiran at Chief of Regional Agriculture and Fisheries Section Hector Tabbun sa PLGU Isabela ang agricultural interventions 2021-2022 dry season na nagkakahalaga ng P803 million bilang suporta sa pagsulong ng agricultural sector sa lalawigan.
Bukod dito, ipinagkaloob naman ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Director Vilma Cabrera ang tool kit at support fund sa mga napiling TESDA scholars na sina Noel Maramag at Erasmo Bacani.
Iginawad naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) – Isabela sa pamamagitan ni Provincial Agrarian Reform Officer Severino Gabot ang 29 na Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa 29 identified beneficiaries.
Samantala, iginawad naman ni Department of Trade and Industry (DTI) – Isabela Provincial Director Winston Singun ang Certificate of Awards sa 20 Public Market Vendors ng City of Ilagan sa ilalim ng Negosyo Serbisyo sa Barangay.
Ang nasabing caravan ay whole-of-government activity na isang paraan na ipaalam sa publiko ang mga programs, policies, accomplishments at efforts ng pamahalaan upang makapagdala ng totoong pagbabago sa buhay ng sambayanang Pilipino.