Sultan Kudarat, Philippines – Nagbigay ng tig-sampung libo na financial assistance ang provincial government ng Sultan Kudarat sa labinganim na mga biktima ng pagsabog sa Tacurong City noong Lunes ng gabi.
Ayon kay Provincial Social Welfare And Development Officer Henry Albano, kahit ang tatlong pulis at dalawang miyembro ng militar na sugatan sa insidente ang nakatanggap din ng nasabing financial assistance.
Kinumpirma din nito na sinagot naman ng lokal na pamahalaan ng Tacurong City at DSWD ang hospital bill ng mga biktima.
Sa ngayon tatlo na lamang sa labing anim na mga biktima ng pagsabog ang patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at interogasyon sa nahuling mga suspek na sina Warren Gani, 18-anyos at Joharigani, 25-anyos, na miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nation