Muling paganahin ng Provincial Veterinary Office ng South Cotabato ang binuo nitong Task Force Avian Influenza dahil sa kaso ng bird flu virus sa Pampanga.
Ayon kay Dra. Flora Bigot OIC Provincial Veterinarian ng South Cotabato matagal na silang nakahanda laban sa nasabing sakit sa mga manok at iba pang hayop na may pakpak.
Ang nasabing task force ang binubuo ng Department of Interior and Local Government, Pnp, local government units, Municipal at Provincial Health Office sa lalawigan.
Layunin nito ayon kay Dra. Bigot na mapaigting pa ang monitoring sa mga manok sa South Cotabato at bago pa man nagkaroon ng outbreak ng bird flu virus sa Pampanga nagsasagawa na ng blood sample sa mga poulty products ang Provincial Veterinary Office.
Inalerto din ni Bigot ang mga mamamayan at ang mga may manukan sa lalawigan laban sa nasabing sakit at kung nakikitang nanghihina, ayaw kumain at iba pa ang mga alaga ay agad na ipaabot sa kanila upang mabigyan ng agarang aksyon.
Sa ngayon nanatiling ligtas sa bird flu virus ang mga manok sa lalawigan ayon sa OIC Provincial Veterinarian ng South Cotabato