Proyekto at Serbisyo sa mga Rebel Returnees, Mas Pinalalakas ng BFAR region 2

Cauayan City, Isabela- Mas pinalalakas ngayon ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 ang kanilang mga serbisyo at proyekto alinsunod sa EO 70 o NTF-ELCAC para sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan matapos ang talakayan sa UP-UP Cagayan Valley ng Tactical Operation Group 2.

Ayon kay BFAR Region 2 Admin Officer IV Sherwin Buguina, binibigyang pansin ngayon ang pangangalaga at pagpapayabong sa fisheries and aquatic resources sa rehiyon bilang bahagi na rin ng livelihood assistance ng mga rebel returnee na mga awtorisadong mangingisda.

Nagpamahagi naman sa 26 coastal town ang BFAR sa rehiyon kung saan tinanggap ang mga fiber glass boat at gamit sa pangingisda.


Gayunman, binigyan rin ng livelihood assistance ang mga Indigenous people kung saan kasama rin ang mga ito sa isinasagawang pagsasanay sa paggawa ng fish pond o fish cages at ang pagpapalakas sa produksyon ng isda sa buong rehiyon.

Samantala, tuloy-tuloy rin aniya ang scholarship program ng mga anak ng mangingisda at IPs na gustong kumuha ng kursong Fishery.

Ayon pa kay Buguina, suportado rin ng ahensya ang grupo ng kababaihan sa pagkakaroon ng livelihood assistance at mga kagamitang paggawa gamit ang isda.

Facebook Comments