Cauayan City, Isabela- Matagumpay na natapos ang dalawang classroom building sa Alibagu Elementary School na ipinatayo ng pinagsamang pwersa ng Pilipino at Amerikanong kasundaluhan bilang bahagi ng RP-US Balikatan Exercises 2018 at ibibigay na ngayong araw ang pamamahala sa punong guro upang pasinayaan ang naturang Classroom.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Captain Jefferson Somera, Division Public Affairs Officer ng 5th Infantry Division, Nagpapasalamat umano sa mga kasundaluhan ang punong guro ng Alibagu Elementary School na si Dina Cabalongga dahil sa kanilang matagumpay na proyekto.
Inaasahan sa naturang pagpapasinaya ang pagdalo nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, maging ang pinuno ng Division Head Quarters ng Philippine Army, ilang opisyal ng US Marine Corps at ang City Mayor ng Ilagan.
Ayon pa kay Captain Somera, Nakatakda rin ngayong araw ang pagtatapos ng RP-US Balikatan Exercises 2018 at magsisibalikan na ang mga tropa ng kasundaluhan sa kani-kanilang Units.