Nakauwi na sa bansa si Pangulong Rodrido Duterte matapos putulin ang biyahe nito sa Japan.
Nabatid na dadalo sana ang pangulo sa ethronement ceremony ni Japanese Emperor Naruhito pero nais nitong umuwi ng Pilipinas dahil sa iniindang sakit sa kanyang Spinal Column, malapit sa kanyang Pelvic Bone.
Agad na dumiretso ang pangulo at nakilamay sa burol ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel sa Heritage Park sa Taguig City.
Higit isang oras na namalagi ang pangulo pero hindi na ito nagpaunlak ng panayam sa media.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, inalala ni Pangulong Duterte ang mga naging ambag ng kanyang ama.
Nagpasalamat naman ang pamilya Pimentel sa oras na ibinigay ng pangulo.
Batid nilang malaking sakripisyo ang pakikiramay ng pangulo na galing pa sa biyahe nito sa Japan.
Nakatakdang magptingin ang pangulo sa kanyang Neurologist ngayong araw para sa konsultasyon.