PRRD, ‘di nakadalo sa Barangay Peace and Order Summit sa Tacloban

Tacloban City – Bigong makadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Barangay Peace and Order Summit sa Tacloban City kahapon ng hapon.

Sa isang text message, sinabi ni dating Special Assistant to the President Bong Go – hindi mabuti ang pakiramdam ang Pangulo kaya minarapat lang na hindi na siya padaluhin sa event.

Iginiit naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi isang ‘superhero’ ang Pangulo na kayang puntahan ang lahat ng kanyang commitments.


Wala rin dapat ipag-aalala at mabuti ring ikinansela ng Pangulo ang kanyang pagsipot sa event para makapagpahinga.

Nakatakda sanang magbigay ng talumpati ang Pangulo sa higit 3,000 punong barangay sa Biliran, Leyte, Southern Leyte at Samar Provinces.

Facebook Comments