PRRD, iginiit na dapat lamang umalis ang mga tauhan ng BuCor na sangkot sa iregularidad

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na lamang umalis ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasasangkot sa iregularidad sa pagpapalaya ng mga bilanggong nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Muling ikinagalit ng Pangulo ang korapsyong bumabalot sa GCTA.

Dagdag pa ng Pangulo – hindi niya hahabulin ang mga BuCor officer na ipinatupad ng tama ang GCTA law sa gitna na rin ng debate kung ang mga convict ng heinous crimes ay dapat makalaya sa ilalim ng batas.


Aniya, malabo ang batas, malabo ring maparusahan ang mga taga-BuCor na nagpalaya sa mga convict.

Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay pinalilinaw sa Korte Suprema ang batas.

Matatandaang nag-utos na ang Ombudsman ng anim na buwang suspensyon sa 27 BuCor officials dahil sa pagpapalaya sa higit 1,900 convicts dahil sa GCTA.

Napatunayan ng Ombudsman na guilty ang mga ito sa grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of service.

Facebook Comments