Tugade, umalma sa pahayag ni Poe na dapat siyang palitan

680

Umalma si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade matapos sabihin ni Senator Grace Poe na dapat na siyang palitan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na masyadong bilib sa sarili ang senadora.


Pati anya ang kanyang posisyon ay pinakikialaman pa.

Dagdag pa ng kalihim, nagsisilbi siya sa kagustuhan ng Pangulo at hindi sa kapritso ng mga pulitikong lito sa kanilang nalalaman.

Matatandaang sinabi ni Poe na dapat nang palitan si Tugade dahil hindi nito natutugunan ang problema sa trapiko.

Facebook Comments

From Advertisers