PRRD, pinangunahan ang inagurasyon ng isang business hub sa Bataan

22

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Bataan Government Center and Business Hub sa Balanga City.

Ito ay tatawagin ding ‘The Bunker.’


Magsisilbi itong sentro ng national at local government agencies, government financial institutions, private partners at one-stop service center para sa mga OFW.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo na patuloy niyang ipapatupad ang mga hakbang na mahihikayat ang mga mamamayan na makilahok sa mga programa upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng bawat komunidad.

Humiling din ang Pangulo sa mga taga-bataan bilang active participants sa nation building.

Facebook Comments

From Advertisers