Inatasan ni Pangulong Rodriugo Duterte ang Philippine Navy na dispatsahin ang mga pirata sa Sulu at Celebes Sea.
Sa kanyang talumpati sa Bonifacio Day Celebration sa Caloocan City, sinabi ng Pangulo na patuloy na naglalayag sa International Waters ang mga Chinese Trawlers.
Babala ng Pangulo, pasasabugin niya na abot langit ang mga gagawa ng pamimirata sa karagatan.
Nakausap na rin ng Pangulo sina Indonesian President Joko WidOdo at Malaysian Prime Minister Mahathir mohamand hinggil sa problema.
Nitong 2017, ang Pilipinas at Indonesia ay magkatuwang na nagpapatrolya sa Celebes Sea para hindi makapasok ng Mindanao ang mga Islamist Militants.
Facebook Comments