PRRD, ipinag-utos ang pagpapasara sa Kapa-Community Ministry

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang pagpapasara ng Kapa Community Ministry International Incorporated na isang investment operation.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na isang uri ng estafa ang ginagawa ng Kapa kaya dapat na itong maipasara sa lalong madaling panahon.

Ang Kapa Community Ministry ay pinamumunuan ng isang Pastor Joel Apolinario na nangangako ng 30% “love gift” kada buwan sa kanilang mga kliyente.


Maliban sa Kapa, tinukoy rin ng Pangulo ang Rigen Marketing na naka-base sa Tagum City at ang Jogle and Ever Arm na nag-aalok ng 500% na return of investments.

Nabatid na mayroon nang “cease and desist” order ang nasabing mga kompanya pero nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon.

Samantala, itinaggi ni Kapa-Community Ministry international Incorporated founder Pastor Joel Apolinario ang alegasyon laban sa kanila.

Sa isang Facebook video, itinanggi ni Apolinario, legal ang kanilang grupo at mayroon silang mga dokumentong makakapagpatunay na legal ang kanilang operasyon.

Marami aniyang ibang grupo ang gumagaya sa kanila.

Facebook Comments