Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Sa ipinadalang liham ni Atty. Concepcion Zeny Ferolino-Enad ng Malacañang Records Office kay PRRC Executive Director Joan Lagunda na may petsang November 12, ipinabatid ang pagbuwag sa Rehabilitation Body.
Sa ilalim ng Executive Order No. 93 na pinirmahan ng Pangulo noong November 8, saklaw na ng DENR ang pagpapatupad sa Republic Act No. 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004 na tutugon sa lahat ng aspesto ng Water Pollution.
Dahil dito, ang DENR na ang ahensyang magpapatupad ng lahat ng batas na may kinalaman sa rehabilitasyon ng Pasig River.
Matatandaang sinibak ng Presidente si Ating PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia dahil sa alegasyon ng katiwalian.
Ang PRRC ay binuo sa isang EO na pinirmahan ni dating Pangulong Joseph Estrada noong January 6, 1999.