PRRD, magdiriwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang partner na si Honeylet

Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon kasama ang kaniyang common-law wife na si Honeylet AvanceƱa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, magdiriwang ng Bagong Taon ang Pangulo sa bahay niya sa Davao City kasama si Honeylet, anak at mga apo.

Aniya, wala nang iba pang plano ang Pangulo sa pagsalubong ng Bagong Taon kundi makasama ang kaniyang pamilya.


Magugunitang ipinagdiwang ni Pangulong Duterte ang Pasko kasama ang kaniyang first family.

Facebook Comments