PRRD, ‘masaya’ matapos makakuha ng mataas na satisfaction rating

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa Pangulo – nais lamang niya na magtrabaho at makapaglingkod.

Pero sabi niya, kung satisfied ang mga Pilipino sa kanyang trabaho ay masaya siya.


Magpupursige naman siya lalo kapag nakukulangan pa ang tao sa kanyang performance.

Nabatid na umabot sa +68 ang satisfaction rating ang nakuha ng Pangulo.

Facebook Comments