Pinasaringan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Francis Pangilinan dahil sa pag-akda ng batas na nagtatakda ng Minimum Age of Criminal Responsibility sa 15 taong gulang.
Sa kanyang talumpati sa Bonifacio Day Celebration sa Caloocan City, iginiit ng Pangulo na ang mga 15-anyos pababa ay labas-pasok lang sa kulungan sa kabila ng mga nagagawang krimen dahil sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 ni Pangilinan.
Sinabi pa ng Pangulo, mas hinihikayat pa ang mga bata na gumawa ng krimen dahil sa nasabing batas.
Maliban dito, sinabi pa ng Pangulo na pinapalayas na si Pangilinan ng kanyang asawa na si Megastar Sharon Cuneta sa kanilang bahay.
Mariin namang itinanggi ng Senador na may Marital Problems sila ng kanyang asawa at nag-post ng picture nila sa Facebook.
Matatandaang inaprubahan sa Kamara noong 17th Congress ang panukalang ibaba sa 12 Years Old ang Age of Criminal Responsibility, subalit ang bersyon nito sa Senado ay hindi nakalusot.