PRRD, nasa maayos ang kalusugan

Pinawi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pangambang ng publiko kaugnay sa umano’y sakit ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos hindi makadalo sa dalawang events sa Davao City noong weekend.

Ayon sa alkalde, nag-ikot pa sa Davao City ang kanyang ama noong Linggo at bumili pa ng paborito niyang pandesal.

Aniya, sila bilang pamilya ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng Pangulo.


Paliwanag naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagkaroon lamang ng migraine ang Pangulo kaya hindi nakapunta sa ilang events noong Sabado.

Facebook Comments