PRRD, pinayuhan ang ABS-CBN na ibenta na lamang

Matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa television giant na ABS-CBN na hindi ire-renew ang prangkisa nito.

Nagbigay ng unsolicited advice ang Pangulo sa nasabing TV network.

Sa talumpati ng Pangulo ngayong araw sa pagbisita nito sa mga biktima ng lindol sa M’lang, North Cotabato sinabi ng Pangulo na ipagbili na lamang ang ABS-CBN.


Ayon sa Pangulo malapit na magpaso ang kontrata ng giant TV network sa March 20, 2020 at hindi aniya tiyak kung maaaprubahan ng Kongreso ang pag-renew sa kontrata nito kaya at mas mainam aniyang ibenta na lamang ito.

Kapag kasi hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kinakailangang isarado at ihinto ang TV and radio operations nito.

Matatandaang ilang ulit sinabi ng Pangulo na haharangin nya ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa pagiging biased o unfair.

Inakusahan din ng estafa ng Pangulo ang TV network dahil sa hindi nito pag-ere ng kanyang political ads noong May 2016 presidential elections.

Facebook Comments