PRRD, wala pa ring final senatorial slate para sa midterm elections

Manila, Philippines – Bumubuo pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng listahan ng mga kandidatong kanyang opisyal na ikakampanya para sa midterm elections.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – tatlo pa lamang ang ineendorso ng Pangulo.

Ito ay sina dating presidential aide Bong Go, dating presidential political affairs adviser Francis Tolentino at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.


Ani Panelo, wala pang pinal na senatorial slate si Pangulong Duterte.

Nasa sa Pangulo rin kung susuportahan niya nag listahang ilalabas ng kanyang political party na PDP-Laban o listahan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments