PRRD, wala pang inilalabas na kautusan kung ililikas ang mga Pilipinong nasa Wuhan, China

Nilinaw ng Malacañang na wala pang planong ilikas ang mga Pilipinong nakabase sa Wuhan, China – kung saan nagsimula ang outbreak ng novel coronavirus.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – wala pang inilalabas na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para magsagawa ng evacuation doon.

Giit pa ni Panelo – hindi maaaring pwersahin ng gobyerno ang mga Pilipino sa lugar na umuwi ng Pilipinas lalo na at may mga trabaho sila doon.


Pero pinayuhan ng Palasyo ang mga Pilipino roon na sumunod sa precautionary measures na inilatag ng mga awtoridad.

Facebook Comments