Medical City, itinanggi ang kumakalat na mayroon silang pasyente na tinamaan ng 2019 n-CoV

Mariing itinanggi ng Medical City ang mga kumakalat na ulat na mayroon silang pasyente na tinamaan ng 2019 novel coronavirus.

Sa statement ng Pasig-based hospital, iginiit nila na wala pa silang kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Ipinapatupad nila ang highest standards sa infection control.


Mayroon din silang protocol sa pagtanggap ng mga pasyenteng hinihinalang may coronavirus.

Pinayuhan din ng ospital ang publiko na ugaliing mag-practice ng good hand hygiene, cough etiquette at iba pang infection control measures.

Nanawagan ang Medical City na iwasang magpakalat ng mga maling impormasyon dahil magdudulot lamang nito ng pagkabahala at pangamba.

Facebook Comments