Pumalo na sa mahigit 723k na Philippine Identification Cards (PhilID Cards) ang naihatid na sa mga registrants sa buong Ilocos Region.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, kabuuang 723, 524 na Phil ID cards na ang idineliver sa pakikipagtulungan ng Philippine Postal Corporation o PHILPost.
Ayon sa PSA, maliban sa door-to-door PhilID delivery, nagsasagawa din ang apat na opisina ng PSA ng kada barangay ng ID registration upang maging accessible ito para sa lahat.
May mga delay sa delivery ng PhilIDs ng mga nagparehistro sa PhilSys dahil sa double registration o duplication kaya kinakailangan nilang invalidate ang mga records sa mismong opisina ng PSA.
Nagpaalala naman ng pamunuan ng PSA na ang PhilSys card ay walang pirma para maiwasan na makopya ang pirma ng mismong may ari ng ID kaya naman ginawa ang pagkuha ng ilang features.
Samantala, ipinaalala na kailangang pangalagaan ng isang indibidwal na nagmamay ari ng Phil Cards upang hindi ito makopya at magamit ng iba.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap na ng kanilang PHIL IDs dahil nagagamit umano nila sa lahat ng klase ng transaction gaya na lamang ng pagkuha ng mga requirements sa trabaho at sa remittance center. | ifmnews
Facebook Comments