
Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may alok ang Civil Registration Service (CRS) na libreng kopya ng birth o marriage certificates para sa mga babae kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Ayon sa PSA, maaaring ma-avail ang libreng dokumento tuwing Lunes sa buong buwan ng Marso 2026, sa mga piling CRS outlets sa Kalakhang Maynila.
Kabilang dito ang PSA Main Office, sa East Avenue, Quezon City.
Ayon pa sa PSA, mayroon ding Civil Registration at National ID o NID Caravan sa darating na March 27, 2026 sa Brgy. Kaybanban, San Jose del Monte, Bulacan.
Kasama rito ang libreng NID registration, validation, at konsultasyon para sa iba pang mga katanungan.
Facebook Comments










