PSC, ikinagulat ang halaga ng ginastos ng gobyerno para sa pagpapagawa ng ‘Kaldero’ sa Sea Games

Ikinagulat ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halaga ng Sea Games Cauldron o yung kawa na sisindihan sa Opening Ceremony ng palaro.

Nabatid na umaabot sa 45 Million Pesos ang ginastos para sa pagpapagawa nito at hiwalay pa ang Limang Milyong Piso para sa gaas na magpapanatili sa apoy na nakasindi sa kawa.

Ayon kay PCS Chairperson Butch Ramirez, hindi nila alam na gumastos ang gobyerno nang ganitong kalaking halaga para lang sa kawa.


Paliwanag pa niya, idinaan sa PSC ang anim na Bilyong Piso para sa sea games at bawal itong idirekta sa Philippine Souteast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC.

Una nang dumipensa sina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Alan Peter Cayetano na iginiit na isa itong ‘work of art.’

Facebook Comments