Lingayen Pangasinan – Ginaganap ngayon sa Lingayen beachfront ang Philippine Super Liga (PSL) 2019 Beach Volleyball Challenge Cup bilang parte ng mga aktibidades ng lalawigan ngayong summer. Di nagpatinag sa tindi ng init ng klima at pulitika ang mga manlalarong inaabangan sa nasabing liga.
Ang nasabing beach volleyball challenge cup ang isa sa inaabangan ng mga volleyball fans na nasa ikalimang edisyon na ngayong taon. Ilan sa mga kalahok na koponan ay ang Petron, F2 Logistics, Sta. Lucia, Generika, Cignal at maraming pang iba ay mga manlalarong mula sa lalawigang Pangasinan. Matatandaang noong nakaraang taon ay tinanghal na champion sina Sisi Rondina at Bernadette Pons ng Petron.
Ayon sa organizer ang nasabing event ay isinasagawa upang buhayin ang interes at palawakin ang kaalaman ukol sa larong volleyball. Nagsimula ang liga ng May 16 na magtatagal hanggang May 18.