Public consultation para sa IRR ng Vape Law, kasado na sa susunod na linggo ayon sa DTI

Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang public consultation para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Vaporized Nicotine Products Regulation Act o Vape Law sa darating na Lunes, October 24.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, bukas ito sa lahat ng may interes sa pagbuo ng IRR upang maikonsidera ang lahat ng kumento at suhestiyon para rito.

Mababatid na nag-lapse into law ang kontrobersyal na panukala noong Hulyo kung saan ibinaba na sa 18 years ang old ang minimum age requirement sa pag-access ng vape products.


Kasama rin sa batas ang paglilipat sa DTI ng kaparangyarihan dati ng Food and Drug Administration (FDA) na i-regulate ang pag-angakat, paggawa, pagbili, pamamahagi at paggamit ng vape products.

Facebook Comments