Layunin nito na malaman ng RTWPB Region 2 ang mga pananaw ng mga employer at empleyado sa rehiyon tungkol sa minimum na sahod.
Magkahalong sentimyento ang natanggap ng ahensya para sa dagdag sahod ng mga minimum wage earners.
Ilan sa dapat umanong ikonsidera ang pagtaas ng halaga ng gastusin sa pang araw-araw gayundin ang epekto ng pandemya sa mga negosyo dahilan para sa taas-presyo ng mga pangunahing bilihin.
Batay sa Socio-Economic Profile sa Region 2, ang kita ng manggagawa sa Non-Agriculture Retail and Service ay 370 pesos habang sa Agriculture ay 345 pesos at sa Retail and Services na may hanggang sampung empleyado ay nasa P340 lamang.
Sa darating na May 5,2022, nakatakda ang huling public consultation para malaman ang kabuuang maidadagdag sa mga sahod ng manggagawang Pilipino sa Lambak ng Cagayan.