Public Market ng Laoag City isinara, MECQ posibleng maipatupad matapos tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19

iFM Laoag – Ipinasara pansamantala ng lokal na pamahalaan ng Laoag City ang kanilang Merkado Publiko matapos nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong fish vendor sa nasabing lugar.

Ayun kay Mayor Michael Marcos Keon, mananatiling nakasara ang pamilihan hanggang sa linggo upang walang makapasok sa apektadong gusali. Panihihintulotan naman ng alkalde ang pagpapatayo ng ‘talipapa’ sa iba’t-ibang barangay upang tuloy parin ang kalakalan ng ilang negosyante.

Dagdag pa ng alkalde na kinakailangan din ang ‘Mass Testing’ sa lungsod lalo na yung mga apektadong barangay na nahawaan sa COVID-19.


Samantala, hinihintay naman ng lungsod ng Laoag ang Executive Order ni Governor Matthew Marcos Manotoc upang mapasailalim ang nasabing lungsod sa Localized Modified General Community Quarantine o MECQ matapos umabot ng limampu’t tatlo ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19.

Posibleng maipatutupad ito mula bukas, Nobiembre 27 hanggang Disiembre 11 sa taong kasalukuyan. Sa ngayon, umabot na sa animnapu’t dalawa (62) ang active cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Ilocos Norte. ### Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments