Manila, Philippines – Mataas pa rin ang public satisfaction rating ng Duterte administration sa kabila ng mga batikos sa kontrobersyal na anti-illegal drugs operations.
Sa Social Weather Stations Survey, lumabas na 77 percent ng mga Filipino ang nananatiling kuntento sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Kumpara ito sa 84 percent satisfaction rating sa kaparehong panahon noong isang taon.
Lumabas din sa 2017 3rd quarter ng sws survey na 14 percent ang hindi kuntento habang 9 percent ang may pag-aalinlangan.
Bumaba naman sa 61 percent ang satisfaction rating sa National Capital Region o N.C.R., balance sa Luzon habang walang pinagbago sa Visayas pero mataas sa Mindanao.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 23 hanggang 27 sa may 1200 respondents.