Public School Teacher sa Albay, Matapang na Ipinagtanggol ang 2 Female Grade 6 Pupils, Pinagsasaksak ng Grade 12 Pupil, Patay

Isang malungkot at masaklap na pangyayari sa hanay ng mga guro sa kanayunan.
Isang public school teacher ang namatay sa saksak ng isang 17-year old na suspect sa bayan ng Pio Duran probinsiya ng Albay sa Bicol region.
Kinilala ang biktima na si Teacher Mylene Veras-Durante, edad 23, may asawa at dalawang anak.
Ayon sa iimbestigasyon ng pulisya, si Teacher Mylene kasama ang dalawang grade 6 pupils ay natutulog sa Principal’s Office ng Oringon Elementary School sa Barangay Oringon, Pio Duran municipality sa Albay. Bandang alas 11 ng gabi nitong nakaraang October 9, isang lalaki na may hawak-hawak na patalim umano ang pumasok kasabay ng pag-atake sa kanilang tatlo sa nabanggit na opisina. Matapang na ipinagtanggol ni Teacher Mylene ang 2 babaeng menor na kasama niya mula sa pang-aatake at masamang balakin ng suspect. Nakatyempo ang dalawang estudyante na makalabas sa opisina at mabilis na nakatakbo at nakapasok sa kabilang classroom kung saan ligtas nilang naikandado ang kanilang mga sarili sa loob.
Pinagtangkaan pa umano ng suspect na habulin ang dalawang tumakas na estudyante, subalit nagpasya itong balikan si Teacher Mylene na kakalabas pa lamang mula sa principal’s office. Pinagsasaksak ng suspect ang guro hanggang sa mamatay.
Sugatan din ang dalawang estudyante sa unang pag-atake ng suspect. Sila ay dinala sa Pio Duran Memorial District Hospial para sa karampatang lunas.
Sa report ng pulisya, napag-alaman na ang suspect ay isang lalaking 17-year old grade 12 student ng kalapit na eskwelahan na kaagad namang inaresto kahapon.
May dalawang taon na ring ginagamit ni Teacher Mylene ang nabanggit na principal’s office kasama ang dalawang grade six female students bilang sleeping quarters dahil malayo ang eskwelahan mula sa centro ng bayan ng Pio Duran.
Kinondena naman ng DepEd Bicol ang masaklap na pangyayari sa buhay ni Teacher Mylene, kasabay ng panawagan na mabigyan ng hustisya ang kanyang sinapit.
Laganap na rin ang panawagan na bigyan siya ng pinakamataas na komendasyon bilang isang ulirang guro na dahil sa kanyang dedication na mapagsilbihan at maturuan ang mga estudyante ng Oringon Slementary School at kahandaang isakripisyo ang kanyang buhay para ipagtanggol ang kasama niyang dalawang babaeng menor-de-edad nang sila ay pinasok at inatake ng salarin kamakala ng gabi.
Makikita sa larawan ang daanan papunta sa malayong Oringon Elementary School mula sa centro ng bayan ng Pio Duran sa Albay.
Photos from FBs of Mylene, Cherilie Mella Sampal and Grace Inocentes




Facebook Comments