Public transpo sa NCR, posibleng hindi higpitan kahit ECQ

Posibleng payagan pa rin ang public transportation sa Metro Manila kahit isailalim na ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula August 6 hanggang 20 dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr., ito ay dahil tuloy pa rin ang pagbabakuna kahit ECQ.

Aniya, 250,000 individuals kada araw ang target na mabakunahan sa Metro Manila.


Aabot naman sa 16.5 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan at sinusubukan pa itong dagdagan.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na guidelines para sa transportation sector ang pamahalaan oras na ipatupad na ang dalawang linggong ECQ sa Metro Manila.

Nasa 216 Delta variant cases na ang naitala sa Pilipinas.

Facebook Comments