Hidilyn Diaz, napatawad na si Sec. Panelo

82

Napatawad na ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Kaugnay ito ng pagdawit sa kanya sa Oust Duterte matrix na inilabas ng Malacañang noong 2019.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ng Olympic gold medalist na napatawad na niya si Panelo at naniniwala siyang may rason kung bakit iyon nangyari noon.

“Napatawad ko na po siya. Sa Catholic and Christian, napatawad ko na po siya at masasabi ko lang na may rason kung bakit nangyari ‘yon, ito, naiuwi ko na ang gold medal para sa Pilipinas,” ani Hidilyn.

Noong nakaraang linggo, nagpaabot na ng apology si Panelo kay Hidilyn pero iginiit na “misplaced” ang sakit na nadama noon ng Pinay weightlifter.

“There is whatsoever no intention, imagined or real, na nililink mo si Hidilyn. Nagkataon lang na inilagay yung kanyang pagiging fan nitong si Jayme. Yun lang yun e,” sabi ni Panelo.



“Because nasaktan siya. But sinasabi ko sa kanya misplaced yun pain mo kasi hindi naman talaga yun ang intensyon,” dagdag pa niya.

Una na ring nagpaabot ng pagbati si Panelo sa tagumpay na inuwi ni Diaz para sa Pilipinas.


Facebook Comments