Hinimok ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara ang publiko na magsagawa ng pagkilos sa susunod na Linggo para tutulan ang nakatakdang pagapruba sa parusang kamatayan para sa ikatlo at huling pagbasa.
Tinuligsa ng MAKABAYAN sa Kamara ang ginawang pagmamadali ng supermajority para ipasa sa 2nd reading ang death penalty.
Naniniwala ang MAKABAYAN na dadami ang oposisyon na tutungo sa Kamara para tutulan ang tuluyang pagpapasa sa death penalty bill.
Umaalma ang grupo dahil hindi man lang sila nahayaang ilatag ang mga pag-amyenda sa batas.
Nauna dito ay nagpahayag na nakahanda ang MAKABAYAN na matanggalan ng chairmanship sa Mababang Kapulungan bunsod ng hindi pagsuporta sa panukalang isinusulong ng Duterte administration.
Facebook Comments