Publiko, pinag-iingat sa paggamit ng motorcyle taxi app

Panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko lalo na sa mga kababaihan na maging maingat sa pag-book sa motorcycle taxi app lalo na sa gabi.

Ito ay matapos na mag-viral ang video ng isang babaeng pasahero na inaaya umano ng driver na pumunta sa hotel.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, kinakailangang suriing mabuti ang profile ng driver ng motorsiklo bago sumakay.


Aniya, kailangang maging alerto at idokumento kung sila ay hina-harass at agad ito i-report sa awtoridad.

Batay sa video footage, isang Joyride rider na pinipilit ang kaniyang babaeng pasahero na pumunta sila sa hotel kahit 30 minuto lamang.

Ang babaeng nakasakay sa motorsiklo ay tila naiinis sa ginagawang pangha-harass ng driver sa kaniya at patuloy sa pagtanggi at sinabihan ang driver na i-drop na lamang siya dahil malapit na umano siya sa kaniyang destinasyon.

Nagpahayag ng pagkabahala ang PNP hinggil sa nasabing insidente kaya payo sa mga mananakay na maging alerto.

Facebook Comments