Pinayuhan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rose Edillon ang publiko na maghinay-hinay sa paggastos upang makontrol ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ayon kay Edillon, tumataas ang inflation kapag mababa ang produksyon at marami ang bumibili o tumataas ang demand ng produkto o serbisyo.
Kabilang naman sa nakikitang solusyon ng NEDA sa pagtaas ng inflation ay ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura upang dumami ang produksyon ng pagkain.
Hinihimok din ang publiko na magtanim ng mga gulay sa kanilang bahay o barangay para makatulong sa pagbaba ng demand sa pagkain.
Aminado naman ang NEDA na mahirap kontrolin ang inflation dahil may mga bagay na nakakaapekto dito tulad ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Gayundin ang epekto ng klima, interest rate ng US at maraming iba pa.