Panawagan ngayon ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa publiko na gawin ang pagtitipid sa kuryente sa harap nang hamong kinakaharap ng bansa na may kaugnayan sa langis na nakakaapekto rin sa enerhiya.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na kahit may ginagawang paraan ang gobyerno para mapababa ang binabayaran sa kuryente, hindi naman agad-agad ito mararamdaman.
Aniya ang kanyang tinutukoy ay ang tinatawag na net-metering at retail aggregation.
At sa lahat ng aniya’y mga factors na nakakaapekto sa pagtaas sa presyo ng kuryente katulad ng giyera sa Ukraine at ibang foreign policies ng ibang bansa.
Sinabi pa ni Devanadera na hindi dapat maging “Asiong Aksaya.”
Kaugnay naman ng usapin sa enerhiya sa bansa, kahapon ay nakipag- pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilang opisyales ng Department of Energy (DOE).