Hinuli ng nga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) at Regional Intelligence Division 9 sa kanilang ikinasang entrapment operation kahapon sa Sitio Agrarian, Brgy. Labuan, Zamboanga ang isang pulis sa Zamboanga City dahil sa pagkakasangkot sa robbery-extortion.
Kinilala ni PNP IMEG Director Brigadier General Ronald Lee ang nadakip nilang kabaro na si Police Staff Sergeant Roberto Francisco nakatalaga sa Police Station 10 (PS-10) ng Zamboanga City Police Office.
Sinabi ni Lee si Francisco ay naging target ng operasyon ng IMEG matapos ang ilang reklamo na natatangap laban dito mula sa mga habal-habal drivers at mga indibidwal na walang quarantine pass.
Ang pinakahuling reklamo nang isang habal-habal driver ay hinuli siya nang suspek na si Francisco at na-impound ang kaniyang motorsiklo sa hindi malamang dahilan.
Para maibalik sa kanya ang motorsiklo hinihingian siya nang suspek na pulis ng dalawang manok na panabong, pero dahil wala nito ang habal-habal driver nagbigay nalang siya ng 3000 piso pulis.
Sa ngayon, nakakulong na sa Police Station 10 ng ZCPO ang pulis na si Francisco at nahaharap na sa kasong kriminal at administratibo.