10 sa India, patay matapos uminom ng sanitizer ‘pamalit’ sa alak

314
Unsplash

Patay ang 10 kataong uminom ng alcohol-based sanitizer, matapos magsara ang mga tindahan ng alak sa Andhra Pradesh, India.

Nawalan ng malay ang mga biktima makaraang kumonsumo ng hand sanitizer na hinalo sa tubig o soft drinks, ayon kay Siddharth Kaushal, police superintendent sa bayan ng Kurichedu, iniulat ng Reuters.

Ginawa umanong pamalit ng grupo ang sanitizer sa alak na ipinagbawal nang isailalim ang lugar sa lockdown kasunod ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Batay pa sa opisyal, may ilan pang residente na uminom din ng sanitizer, ngunit nakalabas naman na sa ospital.

Ilan umano sa mga biktima, na nasa edad 25 hanggang 65, ay may iba pang problema sa kalusugan.

Nangyari ang insidente matapos lumagpas sa 35,000 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus sa India noong Biyernes.

Facebook Comments