Pulis at mga magnanakaw, nagka-engkwentro sa Cotabato; pulis at sibilyan, patay!

Nagkaputukan ang mga awtoridad at mga magnanakaw matapos mambiktima sa Barangay Bagontapay, M’lang sa Cotabato city.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, nasawi ang isang pulis at sibilyan sa naturang insidente habang apat naman ang naitalang sugatan habang sa panig ng mga suspek ay apat dito ang namtay.

Kinilala ang nasawi na si PSSg. Rudy Verona Amihan Jr., na tinamaan ng bala ng baril sa dibdib habang nakikipagbarilan sa mga suspek.


Samantala, kinilala naman ang nasawing sibilyan na si Jack Gumilao, customer ng bakery at restaurant na naging target ng mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, makaraang rumesponde ang ilang pulis napatay nila ang dalawang suspek at matapos ang follow up operations ay napatay pa ang dalawang suspek makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Samantala, ipinangako ng Philippine National Police (PNP) na pabibilisin ang proseso upang agad na makuha ng naulilang pamilya ni PSSg. Amihan ang kanyang benepisyo.



Facebook Comments