Pulis na ang kanilang pamilya ay apektado ng pagaalburuto ng bulkang Taal umabot na sa mahigit isang libo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na ang pamilya ay apektado rin ng pagaalburuto ng bulkang Taal.

 

Ayon kay PNP Chief Police Lt Gen Archie Gamboa aabot na ngayon sa 1,355 na mga pulis na ang pamilya ay apektado ng Taal volcano eruption.

 

Ito ay mula sa unang ulat ni Gamboa na mahigit 200 lamang ang mga pulis na ang pamilya ay apektado.


 

Aniya halos isang libong pulis na ang pamilya ay apektado ng Taal Volcano eruption ay nakatalaga sa National Capital Region.

 

Tiniyak ni Gamboa na mabibigyan ng tig 10,000 pesos ang mga pulis na ang pamilya ay apektado.

 

Samantala, tuloy naman nililikom ng PNP ang donasyong cash ng lahat ng PNP Personnel at officials para idonate sa mga sibilyang biktima ng pagaalburuto ng bulkang Taal.

 

Sinabi ni Gamboa, ang inaasahan lamang sana nilang maiipon ay nasa 2.5 million pesos dahil tig 10 pesos lang naman ang kanyang hinilinh na voluntary contribution mula sa mga pulis.

 

Pero mas malaking halaga pa ang kanilang maidodonate dahil may mga regional offices na mas mas malaking halaga ang ibinigay katulad ng NCRPO.

 

Sa ngayon hindi pa naidodonate ang cash dahil ina-assess pa nila ang mga pangangailangan ng mga apektadong sibilyan.

 

Marami pa rin aniya ang tumutulong sa mga panahong ito kaya hindi na muna nila minamadaling maidonate ang nalikom na cash donation.

Facebook Comments