Pulis na Nangholdap, Bineberipika ang Pagkakasangkot sa mga Nakawan at isyu ng Pagpatay

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ni PLTCOL. Gerald Gamboa, Hepe ng Cauayan City Police Station ang pagkakasangkot ng isang pulis sa usapin ng pagsasabong na kanyang iligal na aktibidad.

Ito ay makaraang mangholdap sa negosyante sa isang gasolinahan sa Bayan ng Reina Mercedes, Isabela kamakalawa.

Ayon kay Gamboa, bineberipika din kung totoo ang pagkakasangkot ng pulis sa isyu ng pagpatay at nakawan matapos silang makatanggap ng impormasyon ukol dito.


Dagdag pa ng hepe na bigo silang maibalik sa naturang negosyante ang mahigit sa P200,000 dahil hindi na mahanap ang mga perang ninakaw ng mga suspek.

Nabatid na may kinakaharap na kasong Robbery simula pa noong taong 2004 ang isa sa mga kasamahan ng pulis sa panghoholdap na si Efren Adelan na tubong Brgy. Maranao, San Mariano, Isabela.

Sasampahan naman ng kasong Direct Assault Upon a Person in Authority ang pulis matapos nitong paputukan ang mga kapwa pulis na rumesponde sa naturang pangyayari.

Matatandaang nahuli si PLT. Oliver Tolentino, 37 anyos na residente Brgy. San Fermin, Cauayan City at dalawang kasamahan nito matapos mangholdap.

Maliban dito, mahaharap din sa kasong Multiple Frustrated Homicide ang pulis gayundin ang mga kasamahan nito sa panghoholdap.

Facebook Comments