Hindi na talaga makakatanggi pa ang isang Barangay Kagawad sa Naga City tungkol sa kanyang kaugnayan sa illegal na droga matapos na siya ay arestuhin mismo ng mga elemento ng Naga City Police – Drug Enforcement Unit at Intelligence Division Unit sa isang buy-bust operation na isinagawa kamakalawa ng gabi sa mBarangay Tinago, Naga City.
Huli si incumbent Barangay Kagawad Fortune Imperial sa pagbibernta ng droga.
Ang operasyon ay isinagawa ng pulisya sa pamumuno ni PSupt Errol Garchitorena Jr at grupo ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa Camarines Sur Drug Enforcement Unit.
Ayon sa report, isang myembro ng otoridad ang nagkunwaring bibili ng shabu na siya namang pinagbentahan ng suspect kung saan kaagad naman siyang inaresto ng mga operatiba.
Tatlong heat-sealed transparent sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu ang na-recover sa kanya. Nakuha rin sa kanya ang ginamit na marked money na nagkakahalaga ng 3,500 na siyang ginamit bilang buy-bust money.
Nauna rito, nagbigay na ng pahayag si Garchetorena na may mga barangay officials at mga tanod na talagang involve sa pagbibenta ng mga ipinagbabawal na droga sa Naga City.
Labis naman ang pagkadismaya ni NCPO Spokesperson SPO2 Toby Bongon sa pangyayaring ito. Sa kanyang fb post, “Kapal nindo!!! Ibinoto kamo kan mga tao para magsirbeng totoo, bakong mag gamit asin magpabakal nin SHABU!!!!!.” (Kapal ninyo, Ibinoto kayo ng mga tao upang totoong magsilbi ng totoo, hindi para gumamit at magpabili ng shabu.)
Pulis Naga City: Ibinoto Kayo ng mga Tao Para Magsilbi, Hindi Para Magbenta ng Shabu!!!
Facebook Comments