Pulis ng PNP Cauayan, Wagi sa World Police and Fire Games sa China!

*Cauayan City, Isabela- *Nag uwi ng karangalan ang isang pulis ng Cauayan City Police Station matapos itong hirangin bilang individual sparring sa sports na Taekwondo o Karate sa katatapos na World Police and Fire Games na naganap sa bansang Chengdu, China.

Si Patrolman Randolph Maraggun, 28 anyos na taga District 1, Cauayan City, Isabela ay nasungkit ang ikalawang pwesto sa isang pinakamalaking sport s event o olympics sa buong mundo.

Ayon kay P/Capt. Ezem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City at siyang hepe ng Womens and Children Protection Desk, 79 na bansa at rehiyon ang nakalaban sa kompetisyon ni Patrolman Maraggun at nakapag uwi ito ng bronze medal sa 75 black-belt ng larong karate.


Nakalaban ni Patrolman Maraggun ang mga bansa gaya ng Cambodia, dalawang kinatawan ng Hongkong, Russia, Pakistan, Finland, Netherlands at India.

Pinuri naman ni P/Capt.Galiza si Patrolman Maraggun sa kanyang naiuwing karangalan sa bansa maging sa tanggapan ng Cauayan City Police Station.

Facebook Comments