Pulis, patay matapos barilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Davao City

37

Davao City – Patay ang isang pulis matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Davao City.

Kinilala ang biktima na si PO3 Wilfredo Bansag Garol Jr., residente ng rubber village, calinan sa davao city at naka-assign sa Baguio police station.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ulat, hinatid ni PO3 Garol ang kanyang asawa sa eskwelahan, pero sa kanyang pag-uwi dalawang mga lalaki ang nakisakay sa kanyang motorsiklo.

Nang dumating sa kanilang distinasyon, bumaba ang dalawang lalaki at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima saka kinuha ang kanyang mga personal na gamit at tinangay din ang motorsiklo.

Facebook Comments