Pulis, umapela ng tulong sa publiko para matukoy ang riding in tandem na namaril sa sasakyan ni Kim Chiu

Puspusan ang isinasagawang imbistigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit Quezon City Police District (CIDU QCPD) para maresolba kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa sasasakyan ng aktres na si Kim Chiu.

Ayon sa CIDU base sa hawak nilang CCTV mayroong riding in tandem na humaharurot malapit sa sasakyan ng aktres bago mangyari ang pamamaril.

Umaapela ang Special Investigation Task Group (SITG) Kim sa publiko na makipagtulungan lalo na sa motoristang may dash cam na nakahagip sa mga suspek.


Malaki anila ang maitutulong nito para maresulba ang krimen.

Samantala aalamin din ng pulisya kung may kahalintulad na sasakyan ang aktres sa nasabing lugar para mabigyang linaw kung posible ba ang anggulong mistaken identity.

Facebook Comments