Friday, April 10, 2026

PULISYA, PINALAKAS ANG UGNAYAN SA NEGOSYO SA PAMAMAGITAN NG ESTABLISHMENT VISITATION

Nagsagawa ng business at financial establishment visitation ang mga tauhan ng isang himpilan ng pulisya sa kanilang Area of Responsibility bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa mas pinaigting na ugnayan sa komunidad at pagpapanatili ng kaayusan.

Tulad sa na lamang sa Bugallon kung saan personal na binisita ng mga pulis ang iba’t ibang establisyemento upang makipag-ugnayan sa mga may-ari at empleyado.

Layunin ng nasabing inisyatibo na mapalakas ang crime prevention measures, mapabuti ang palitan ng impormasyon, at higit na mapatatag ang tiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at sektor ng negosyo.

Ang aktibong partisipasyon ng mga negosyo sa pagbabantay sa kanilang kapaligiran upang agad matukoy at mai-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Bahagi rin ito ng adbokasiya ng kapulisan na gawing mas ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments