
Pulitika at extortion, dalawa ang mga ito sa tinitingnang motibo ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pagsabog sa ginagawang sikat na fast food chain sa Lamitan City, Basilan, kahapon.
Sugatan sa insidente ang security guard ng ginagawang establisyemento matapos umanong may magtapon ng granada sa nasabing lugar.
Ayon kay PNP Chief PIO PBGEN Randulf T. Tuaño, nakikipag-ugnayan na ang PRO-BAR sa alkalde ng Lamitan para malaman ang posibleng nasa likod ng nasabing insidente.
Napag-alaman din kasi sa imbestigasyon ng pulisya na ang may-ari ng nasabing ginagawang fast food chain ay ang nasabing mayor.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Tuaño na ang nangyaring insidente ay hindi “spill over” nang nangyayaring kaguluhan sa Middle East.
Facebook Comments










