Manila, Philippines – Inalmahan ng Palasyo ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na nagsabing isang taon na ang lumipas ay pa ring nai-pi prisintang master plan ang gobyerno para sa pagbangon ng Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala sanang Task Force Bangon Marawi kung walang ginagawa at walang plano ang gobyerno para sa pagsasaayos sa napadapang siyudad.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na 70% na ng mga bakwit ang nakabalik na sa kanilang mga tahanan, at mas nauuna pa aniya ang isinasagawang rehabilitasyon kaysa sa timeline nito.
Inisa -isa rin ni Roque ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno na bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City, kabilang na ang mga pabahay na tinitirhan na ngayon ng mga bakwit, eskwelahan, community centers, place of worships, at hanapbuhay sa mga residente.
Sa katunayan, ayon kay Roque 47 mga eskwelahan sa Marawi City ang magbubukas ng klase ngayong school year.
Kaugnay nito, nakahanda aniyang makipag tulungan ang gobyerno, kasama na ang Task Force Bangon Marawi sakaling matuloy ang pagpapatawag ng imbestigasyon sa Senado.