Pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping, isasagawa via teleconference

Idaraos sa pamamagitan ng teleconference ang nakatakdang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa darating na April 8, 2022.

Ayon kay Atty. Michel Kristian Ablan, acting Deputy Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undesecretary, sumasailalim pa sa mga paghahanda ang nasabing pulong sa pagitan ng dalawang lider.

Sinabi pa ni Ablan na hindi pa niya masagot sa ngayon kung kasama ba sa mapag-uusapan sa pulong ang mga isyu sa West Philippine Sea at ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.


Aniya, sa mga susunod na araw pa ito malalaman dahil kasalukuyan pang isinasapinal ang mga usaping posibleng matalakay ng dalawang lider.

Paliwanag pa ni Usec. Ablan, nagmula ang inisyatibo ng pulong na ito sa pamahalaan ng China.

Matatandaan na kagabi, nabanggit ni Pangulong Duterte ang inaasahang pulong na ito kasama ang Chinese President na muli niyang inilarawan bilang kaibigan.

Facebook Comments